Tuesday, November 1, 2016

Internet: Maganda o Masama?

Ang internet ay maaaring para sa ikabubuti ng lahat. Ngunit maaari din itong magdulot ng masamang epekto.

           Bago natin simulan ang isyu. Ano nga ba ang internet?


Para sa akin, ang internet ay isang sistema na ginagamit na naglalaman ng mga karagdagang impormasyon, isyu, balita o pangayayari  upang mas mapadali ang pagkalat, paglaganap o paghahanap ng mga ito. Kung saan ay may karapatan ang lahat ng tao na lumagap, magbasa, maglagay o mag post gamit ang mga online sites o mas kilala na ngayon sa tawag na social media.

Ang social media applications na nakikita gamit ang internet

Ano ang kinalaman nito sa mag-aaral?

    Ang mga mag-aaral ay dapat magkaroon ng kamalayan tungkol sa internet at malaman ang mga limitasyon sa paggamit ng social media dahil ito ay maaaring maghatid ng parehas na tama o maling mga impormasyon na pwedeng makaapekto sa kanilang pag-aaral o sariling mga pananaw sa mga bagay-bagay na magdudulot ng hindi magandang mga resulta.


Ang internet ay maaaring makaapekto sa mag-aaral













Maganda at masama ang internet:

   Hindi ibig sabihin nakakatuwa ang nakikita sa internet ay maganda na agad ito, maaaring nakakatuwa ito sa iba ngunit para sa ibang tao ito ay nakakainsulto at hindi maganda sa paningin. Kaya nga dapat ang lahat ay maging alerto at magkaroon ng malay tungkol sa internet dahil ito ay isang seryosong usapan na maaaring makasira o makabubuti sa iyong buhay. Sa mga simpleng desisiyon na iyong ginagawa sa araw-araw ito ang talagang may malaking bunga pagdating ng panahon. Sa isang mag-aaral ang pagpili sa social media at akademya ito ay napakahalaga lalo na sa kanilang paglaki. OO nga, salamat internet dahil ang laking tulong mo sa amin ngunit paunti na ng paunti ang nagiging matiyaga at masipag dahil sa isang pindot, nandiyan ka na wala ng nagbabasa ng libro. Madami ng impormasyon ang nakukuha sa internet ngunit hindi tayo sigurado kung ito ay tama o mali. Ang isang libro ay hindi hamak na tama at mas maganda ang impormasyon dahil ito ay aprobado at na-ipublish ng mga nasa kataas-taasan. Sa panahon ngayon ito na ang katotohanan at atin na lang tanggapin. Malaking tulong na ang internet ngunit madami na din itong naging biktima dahil kulang tayo sa disiplina at gabay. Kung maaari lang natin ayusin ang isyu na ito katulad ng internet sa isang pindot at katulad ng isang libro na may gabay  para maunawaan ng lahat. Masasabi talaga natin na ang internet ay maganda at masama.

Ito ang mga ilang halimbawa ng Maganda at Masamang epekto ng internet:

                                                                Magandang Epekto:
      
  1. Maraming nalalaman na impormasyon
  2. Napapadali ang mga gawain
  3. Mas alerto sa mga nangyayari sa paligid
  4. Nagkakaroon ng dagdag na kaalaman
  5. Mas madali ang komunikasyon




 Masamang Epekto:
  1. Maaaring makalagap ng maling impormasyon
  2. Dahil sa social media, hindi na nakakapag-aral ng mabuti ang mag-aaral
  3. Hindi magandang aral at moral ang nakukuha ng mag-aaral sa ilang impormasyon sa internet
  4. Maaaring magulo ang isipan sa kung ano anong bagay kaysa magpokus sa akademya
  5. Maling pakikipagkomunikasyon dahil sa nakikila sa social media                                                               
 Ito ay ilan pa lamang sa dami ng pwedeng epekto ng internet ngunit diyan pa lamang ay kita na natin ang nagagawa ng internet sa mag-aaral. Kahit napapadali ng internet ang ating mga gawain, mayroon naman itong masaklap na bunga na maaari nating pagsisihan sa huli. Kaya kung ako ay isang mag-aaral dapat akong maging alerto at marunong limitahan ang paggamit ng internet dahil maaaring maganda ito sa una ngunit sa pagtagal at kulang sa disiplina ito ay magdudulot ng hindi mo maasahan na resulta na nangyayari na hindi mo alam na ginagawa mo na pala. Sa huli, maiiwasan natin ang mga hindi magandang resulta na ito kung ikaw ay marunong kumontrol at magkaroon ng disiplina sa sarili. Sa madaling salita nasa sa iyo ang desisyon na magdadala sayo ng magandang kapalaran o hindi gaanong magandang kinabukasan kaya naman ang mga simpleng bagay ay napakaimportante at hindi dapat baliwalain dahil minsan ito pa ang may malaking epekto sa iyong buhay.

No comments:

Post a Comment